Thu. Nov 26th, 2026

Isiniwalat ni Akbayan Rep. . Perci Cendaña ang kanyang New’year’s wish para sa 2027, ang magkaroon ng bagong bise presidente ang Pilipinas.

Inihayag ito ng mambabatas matapos dumalo si Vice President Sara Duterte sa OVP budget deliberation sa Senado ngunit ni minsan ay hindi nag[akita sa impeachment trial.

Puna ni Cendaña, present si VP Sara kapag manghihingi ng pera ngunit kapag kailangan ipaliwanag kung saan ginastos ang pondo ng bayan, no-show ang bise president.

“Kung hihingi ng pera, present. Kung kailangan magpaliwanag ng pinagkagastusan, absent. Hindi lang yan style bulok, style lustay din,” aniya.

Kaya umaasa ang mambabatas na sa darating na 2027 ay may bagong bise president na, ‘yung marunong magtuos ng pera ng bayan at totoong ma detalye ang ilagay sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“Sana naman before New Year may New VP na rin. At sana yung marunong magliquidate ng pondo ng bayan at makatotohanan ang SALN,” sabi ni Cendaña. # (RRN)

By Web Dev