Wed. Jan 29th, 2025

PUMUSLIT palabas ng Pilipinas ang isang retiradong heneral na kabilang sa mga sinampahan ng kaso kaugnay sa nasabat na P6.7 bilyong shabu noong Oktubre 2022.

Kinompirma ng Philippine National Police (PNP) na lumabas ng bansa ang retiradong heneral noong Enero 8 o bago ilabas ang arrest warrant laban sa kanya at 28 iba pa.

Hindi binanggit ng PNP kung sino kina ret. police generals Benjamin delo Santos at Narciso Domingo, parehong akusado sa nasabing usapin, ang wala na sa Pilipinas.

“May proseso tayo at bigyan ng pagkakataon ‘yung proseso na tumakbo at lahat naman ito ay mga dating miyembro ng PNP (We have a process and let’s give the process a chance to run its course. All of them are former PNP members). They know the process and we expect that they understand it and we have to respect the process and court’s jurisdiction,”  sabi ni PNP concurrent spokesperson at Police Regional Office-Central Luzon chief Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang press conference sa Camp Crame.

Ayon kay Fajardo,  siyam sa mga akusado—apat aktibong pulis, tatlong retired, isang resigned at isang dismissed, ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Inaasahang maglalabas ang hukuman ng hold departure order laban sa kanila.

“I talked to Brig Gen. Nicolas Torre, CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) chief. They have not received any surrender feelers but they are exerting their very best efforts to account for these nine personnel, both active and retired,” ani Fajardo.

Matatandaan nag-isyu ang Manila Regional Trial Court Branches 175 at 44 ng warrants of arrest laban sa 29 aktibo at dating opisyal ng PNP kaugnay sa umano’y pagtatanim ng ebidensya at “bungling of prosecution of arrested suspects” sa isinagawang anti-drug operation.

Nagtatag ng Task Force 29 ang PNP para tugisin ang mga opisyal. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *