Wed. Jan 29th, 2025

NAGBABALA  ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko hinggil sa  pagkalat ng loan scams  sa social media at SMS spoofing na isinasangkot ang Bank of the Philippine Islands (BPI) .

Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos  ang mga  scammers ay nag aalok ng “too good to be true” na pautang na may mababang interest, fast approval  at simpleng proseso.

Sa naturang sistema ang mga customers o target na  biktima ay kinakailangang mag click ng link na kasama sa ipinadalang SMS message  kung saan dito na mananakaw ang mga  personal at banking information.

Dahil dito ay muling nanawagan si Ramos sa publiko na huwag mag click ng link  dahil hindk magse-send ng link ang mga bangko sa pamamagitam ng text o email.

Dagdag pa ni Ramos na mas piliing direktang kontakin ang mga banko sa tuwing mag aapply ng loan.

Una nang kinumpirma ng BPI sa CICC  na ang SMS message na kumakalat ay isang scam at tiniyak na hindi sila nagse-send ng text na may link.

Pahayag ng BPI, kung may link ang isang mensahe, wag nang mag over think at tiyak na scam umano ito. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *