‘NILULUTO’ na ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng World Economic Forum (WEF) ang isang groundbreaking partnership para maisulong ang advance job creation at workforce resilience sa Pilipinas
Ang naturang kolaborasyon ay nangangako ng mga bagong oportunidad at magpapalakas sa local workforce na humarap sa mabilis na nagbabagong economic landscape.
Sa pagdaraos ng World Economic Forum 2025 ay nakipagpulong si Trade Secretary Cristina Roque kay Mr. Till Leopold, Head ng Work Wages and Job Creation sa WEF.
Sa pulong ng dalawa ay napag-usapan ang strategic priorities at opportunities sa ilalim ng Jobs Accelerator initiative.
Natalakay din nina Roque at Leopold ang Future of Jobs Report ng WEF na mahalaga para sa mga polisiya na magbibigay sa Pinoy workforce ng kinakailangang kaalaman para sa digital at AI-driven job market.
Kaugnay nito naniniwala ang DTI na maganda ang hinaharap ng bansa na ang innovative solutions at strategic partnerships ay magbibigay daan para sa future-ready Philippine workforce. (NINO ACLAN)