Isang Pinoy ang kabilang sa mga nasawi sa air collision na naganap sa Washington, ayon sa ulat ni Interior Secretary Jonvic Remulla.
Inihayag ng mga opisyal ng US na ang sanhi ng banggaan sa pagitan ng isang panrehiyong jet at isang helicopter ng U.S. Army sa isang paliparan ng Washington ay nananatiling hindi maliwanag.
Ang kalunos-lunos na insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng 67 indibidwal, na tinagurian bilang ang pinakamatinding sakuna sa himpapawid sa Estados Unidos sa mahigit dalawang dekada.
Nakuha ng mga imbestigador ang mga balck box mula sa sasakyang panghimpapawid, na isang American Airlines Bombardier jet na lulan ng 60 pasahero at apat na tripulante.
Ang jet ay bumangga sa isang Army Black Hawk helicopter at pagkatapos ay bumagsak sa Potomac River habang sinusubukang lumapag sa Ronald Reagan Washington National Airport noong Miyerkules ng gabi.
Walang nakaligtas sa insidente. Bagama’t hindi pa nabubunyag ang mga pangalan ng lahat ng mga biktima, kasama sa kanila ang mga mahuhusay na batang figure skater at mga residente mula sa Kansas, ang pinanggalingan ng flight. (ZIA LUNA)