📷Nagtungo si Jellie Aw sa NBI upang sampahan ng reklamo ang fiance na si Jam Ignacio.|GMA Integrated News
“WAG kayong hayaan ninyo na abusuhin kayo ng inyong mga boyfriend. Alam niyo, walang ‘I love you’ forever. Kapag sinasaktan na kayo, hindi na kayo mahal niyan dahil hindi nga sinasaktan ang babae.”
Ito ang panawagan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga kababaihan na nakaranas ng pang-abuso mula sa sa kanilang karelasyon kasunod ng pormal na paghahain ng reklamo ng DJ at influencer na si Jellie Aw laban sa kanyang fiancé na si Jam Ignacio dahil sa pambubugbog sa kanya.
Paliwanag ni Santiago, nangyayari ang pang-aabuso hindi lamang pisikal kundi verbal din.
“We will consider this strictly confidential. Mag o-operate po tayo, tutulungan po namin kayo… dahil sa pagmamahal, pikit mata na lang kayo. Ay naku, ‘wag ho. Maawa kayo sa sarili ninyo. Respeto ninyo ang sarili niyo,” aniya sa isang press briefing.
“Hinahabol natin ‘yung kanyang boyfriend. So I asked her baka naman lumuhod sa iyo ito, patawarin mo, sabi niya hindi. Tuturuan daw niya ng leksiyon. She wants the boyfriend to go to jail,” ani Santiago.
“Kung suwe-suwertehin tayo, within the day, makukuha natin ‘yung boyfriend niya para mapanagot sa kasalanan na ginawa niya,” dagdag niya.
Nag-viral sa mga araw na nakalipas ang larawan ni Jellie na bugbog sarado makaraan saktan siya ni Ignacio dahil umano sa selos. (ROSE NOVENARIO)