Sat. Aug 8th, 2026

šŸ“·: Anson Que

 

DINAKIP ng mga awtoridad ang 11 katao kasama ang siyam na dayuhan sa Mactan Cebu International Airport kagabi dahil sa bitbit na P441 milyon undeclared cash.

Ang mga suspect ay anim na Chinese nationals, isang Malaysian, isang Indonesian, isang Kazakhstani, at dalawang Pinoy ay naaresto dakong alas- 11:30 ng gabi ng Biyernes nang magtangka silang sumakay ng eroplano patungong Maynila.

Nabisto ng airport security officers na nakalagay sa pitong bag na may timbang na 70 kilo bawat isa at naglalaman ng P441.92 million, US$168,730, at HK$1,000, ayon sa Philippine National Police.

ā€œThis is a massive amount of undeclared money,ā€ sabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa press briefing sa Camp Crame kanina.

ā€œThere’s a strong possibility the funds are co-mingled and may be tied to other illicit activities.ā€

Nabigo noong una na magpakita ang mga suspect ng anomang dokumento upang bigyan katuwiran kung saan galing ang dala nilang malaking halaga ngunit makaraan ang ilang oras o dakong alas-tres ng umaga ng Sabado ay isang certificate mula sa Cebu casino ay isnumite nil ana nagsasaad na napanalunan nila ito sa ilalim ng junket operator na ā€œWhite Horse.ā€

Matatandaan naĀ  isiniwalat ng PNP na ang ā€˜White Horseā€ kasama ang 9 Dynasty, ay mga casino junket operators na pinaglagakan ng ransom money mula sa Anson Que kidnap-slay case.

Natukoy ng PNP ang may-ari ng 9 Dynasty na si Li Duan Wang, ang Chinese national na inendorso ng 200 kongresista at 19 na senador na bigyan ng Filipino citizenship ngunit hindi pinayagan ni Pangulong Ferdinand ā€œBongbongā€ Marcos Jr.

ā€œNapakalaking halaga ng pera po ito and two days prior sa election ay di nila maipaliwanag saan galing itong pera na ito. Parang inihabol na lang nitong junket operator just to justify saan po galing itong pera po na ito, pero kaduda duda po ‘yan dahil puro mga foreigners ang mga may bitbit ng mga pera na ito,” sabi ni Fajardo.

Nahaharap ang mga suspect sa mga kasong currency smuggling, paglabag saĀ  mga batas kaugnay sa anti-money laundering, at immigration. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *