Sat. Apr 4th, 2026

BILANG na nga ba ang mga araw ng isang security official ng Bossing ng Bayan Mo?

Bistado na raw na may lahing tuklaw ang security official na kilala sa alyas na “Boy Ahas.”

Habang binibilog daw ni Boy Ahas ang ulo ng kanyang amo sa lantarang galit daw niya sa mga “komunista,” nakasawsaw pala siya sa kampo ng mahigpit na katunggali ng Bossing ng Bayan Mo.

Ibig sabihin kahit tumawid na siya sa bakuran ng Bossing ng Bayan Mo, aktibo pa rin siya sa grupo ng kalaban nito at pangunahin pang bumabanat sa kanyang amo ngayon.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kasamahan, hindi pala binitawan ni Boy Ahas ang kanyang papel sa kampo ng kaaway ng kanyang kasalukuyang amo.

“Social media lang naman ng kalaban ng Bossing ng Bayan Mo ang hawak ni Boy Ahas na aktibong bumabanat sa mga isyu sa politika,” chika ng mainit ang ulong miyembro ng Las Chismosas sa Arlegui.

Kaya raw ayaw bitawan ni Boy Ahas ang pagiging socmed admin ng kalaban ng Bossing ng Bayan Mo dahil may “singilin” pa raw siya na halos isang milyon na hindi nababayaran.

Ang talent fee raw kasi ni Boy Ahas at tatlo niyang socmed warriors ay 200k a month at mula raw noong Pebrero 2025, hindi nababayaran ito kaya umabot na sa halos isang milyon.

Nagtayo pa raw ng PR group si Boy Ahas at kasosyo niya ang isang consultant ng isa sa top 12  senators na nagwagi sa katatapos na halalan.

CLUE:

Nagbanta si Boy Ahas na idedemanda ang isang mamamahayag na nakapanayam siya tungkol sa kanyang pagiging Anaconda.

“Subukan mong isulat yan, I’ll see you in court,” warning daw ni Boy Ahas sa pobreng reporter.

“Istratehiya kaya ni Boy Ahas ang gawing bisyo ang red-tagging para pagtiwalaan siya ng Bossing ng Bayan Mo at iba pang ipisyal? “ tanong ng isang miron.

“Malaya naman siyang mamili nang paniniwalaan kung wala sana siya sa pamahalaan. Baka nakakalimutan niya, pera ng bayan ang kinukubra niya tuwing araw ng sahod kaya may karapatan tayong pakialaman ang mga aktibidad niya,” mahinahon na paliwanag ng pinuno ng Las Chismosas.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *