Sat. Apr 4th, 2026

“Para palabasin na abala siya bilang ipis-yal ng gobyerno, maliban sa laging may nakabuntot na media, todo post at padala ng mga litrato sa mga kaibigang mamamahayag na itago natin sa pangalang “Mr. SWABe,” bungad na chika ng iritadong miyembro ng Las Chismosas.

Bawat galaw , may pictorial, parang kayod nang kayod? Pero ang totoo, kapos sa budget ang kanyang departamento dahil napunta raw sa ayuda ang kuwarta.

Komento tuloy ng netizens: “Ayusin mo muna ang simpleng problema tulad ng mga escalators at PWD ramp bago ka magpa-picture!”

Isa pang banat: “Isa lang ang ginawa, sampung balita agad!”

May nagsasabing mas bagay daw siyang ilipat sa PCO kompara sa hawak niyang ahensya ngayon.

Pero hindi naman pala kalinisan ang track record ni Mr. SWABe, nasangkot siya noon sa isang negosyo ng swab testing.

Kahit may kaso rin daw ito kaugnay sa multi-bilyong pisong proyekto sa Central Luzon, isa siya sa mga mapalad na inilipat lang ng puwesto ng nakaraang gobyerno.

CLUE:

Maaga pa sa unang tilaok ng manok sa umaga kung gumising si Mr. SWABe para magpa-interview sa iba’t ibang programa.

“Tumambling raw siya sa bakuran ng Bossing ng Bayan Mo para makaiwas sa mga asuntong nakasampa laban sa kanya,” pagbibida ng isang miron.

Kulang na lang raw ay sumabit sa bus si Mr. SWABe para ipakita ang kanyang pagiging maka-masa at hindi mahalata na DI-SUNDO siya ng kotse kaya never niyang mararanasan ang maging ordinaryong commuter.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *