Sun. Apr 5th, 2026

Sino itong PR operator na milyun-milyong piso ang kinita, ngunit puro talunan ang ikinampanya?

“May balat kaya sa wetpaks si PRenny kaya puro ‘Lotlot de Leon’ ang mga kandidato niya?” napapailing na tanong ng batikang chapter prexy ng Las Chismosas ss Pasig.

Sa rami raw nang paninira sa mga kalaban ng kanyang kliyente, akala mo’y siguradong panalo.

Pero ang boto? Kasing baba ng sahod ng kanilang inaabusong janitor!

Kawawang kliyente—nalimas ang pondo, naiwan pang luhaan sa ere.

Naka-book na raw pa-abroad si PRenny para magpasasa sa kinita mula sa mga kliyenteng talunan sa halalan.

“Akala nila mapapanis nila ang Biko at matatanggalan ng latik — aba’y bumalik sa kanila at sila ngayon ang pinagtatawanan sa buong industriya!” humahalakhak na sabat ng miron.

CLUE:

Kahit namunini si PRenny sa nakaraang administrasyon, tinalikuran niya ang dating patron at pilit na sumisipsip ngayon sa bakuran ng Bossing ng Bayan Mo.

Isang bilyonaryo ang “naonse” raw ni PRenny ng P40-M para bilhin ang isang naghihingalong peryodiko may ilang taon na ang nakalipas, ngunit ni singkong duling ay walang bumalik sa puhunan ng ‘investor.’

Maraming empleyado raw ni PRenny ay luhaan dahil kapag maglo-loan sa SSS at Pag-Ibig, mabibistong ang kinaltas pala sa sahod nila bilang kontribusyon ay hindi inihulog.

“Isang milyong pisong halaga ng coffee maker ang pamosong anomalya ni PRenny,” sabi ng isang dismayadong obrero niya.

‘Yun na!

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *