Tue. Feb 25th, 2025

BAKIT kaya biglang lumagapak at hindi nakapasok sa Top 12 itong si Las Pinas Rep. Camille Villar sa latest senatorial preference survey ng Social Weather Station (SWS) nitong buwan ng Enero?

Ano-ano kaya ang mga kadahilanan ng mga botanteng na-interview sa SWS survey at bakit bigla nilang inayawan at iniwan si Rep. Camille para hindi makapasok sa Magic 12 sa darating na May midterm elections?

Isa ba sa dahilan ay ang paglustay ng pamilya Villar ng lagpas na isang bilyong piso sa mga advertisement sa telebisyo at radio noong 2024 para lang manalo si Camille sa darating nsa halalan?

Karamihan sa naging sagot ng ilang mamahayag at sa ordinaryong mamayan sa kalye ay dahil daw naging epektibo ngayong 2025 elections ang kampanya laban sa political dynasties tulad sa pamilya Villar.

Kung babasahin ang mga komento ng mga netizen sa social media nitong mga nakalipas na 10 buwan, iminumungkahi at inilalabas ng mga simpleng mamayan ang kanilang galit sa “kasakiman” ng mga Villar sa politika dahil halos lahat ng miyembro ng kanilang pamilya ay gustong maging senador mula pa kay dating Senate president Manny Villar.

Halos lahat ng negatibong komento ng mga tao ay ang pagiging burukratanag kapitalista ng pamilya Villar, lumalahok sa halalan bilang senador at congressman para isulong ang kapakanan ng kanilang mga negosyo.

Habang ang kasamahan ni Rep. Villar sa Nacionalista Party na si re-electionist Sen. Imee Marcos ay hindi rin nakapasok sa Top 12 o pang-14 nalang sa pinakabagong SWS survey.

Ang isa pang NP candidate na si re-electionist Sen. Pia Cayetano ay bumaba mula ika-3 hanggang ika-4 noong Disyembre na may 32 percent ngunit ika-7 -8 ngayong buwan ng Enero na may 33 percent.

Kabilang sa namamayagpag na political dynasty sa bansa sina Villar, Marcos at Cayetano.

Sa SWS survey noong Oktubre 2024, si Rep. Villar ang “bigger gainer” sa survey na pang-walo sa puwesto na may 21%. Sa survey noong Marso, nasa 20th hanggang 24th na puwesto siya.

Pero sa pinakabagong 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey ng Tangere nitong Enero, nasa labas din ng top 12 si Rep. Villar. Nakakuha lamang ng 28 percent sa voter preference. Statistically lower voter preference for male voters was noted for the congresswoman, ani Tangere.

Naging malaking epekto daw talaga sa kandidatura ni Rep. Villar ang mga sunod-sunod na trending video ng kanyang nanay na si Sen. Villar kung saan ay mapapanood ang pagka-mayabang, pamboboladas at pagkamataray ng senadora sa tuwing may talumpati siya sa mga barangay caucus sa Las Pinas.

Ang huling trending na video ni Sen. Villar ay nangyari noong isang linggo sa Senate hearingna ipinahiya at pinagalitan ang isang babaeng resource person mula sa Department of Environment and Natural Resources kung saan pasigaw na pinagsabihan ng senadora ang pobreng opisyal ng : “Tigilan mo ako, hindi ako loko-loko.”

Isa pang maaaring dahilan sa ‘pagbagsak’ ni Rep. Villar sa survey ay dahil din sa hayagang pagdepensa at pagiging loyalista ni Sen. Villar kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte at pagkampi kay accused rapist at Pastor Apollo Quiboloy si Rep. Camille ng mga loyalist followers ni President Marcos Jr.

Napag-alaman din natin na hindi na pinagkakawiwalaan si Sen. Villar at si Rep. Villar ng mga cabinet member, senador, at congressman na kakampi ni Presidente Marcos Jr. matapos mabuking ang senadora na gusto pala nito maging Senate president tulad ng asawa niya.

Kapag patuloy ang ipinapakitang masamang pag-uugali ni Sen. Villar hanggang sa araw ng election sa Mayo ay hindi malayong pupulutin siya at ang kanyang anak sa kangkungan tulad sa sinapit ni Sen. Manny Villar nang tumakbo ito sa pagka-pangulo noong t 2010.

Maaaring isang malaking selebrasyon at kaginhawaan para sa mga Pilipino lalo sa mga taga-Las Piñas kapag mabigo ang mag-inang Cynthia at Camille sa May 12 elections at si Sen. Mark na lang ang maiwang politiko sa pamilya Villar. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *