Tue. Jun 9th, 2026

MATAPOS masibak bilang undersecretary ng Palasyo,  paggapang naman sa mga kompanya ng media ang pinagkakaabalahan niya ngayon para harangin ang mga negative issues laban sa isang congressional candidate sa Metro Manila.

“Ang misyon ni ex-Palace exec na may alyas na Edkuratsa ay ligawan daw ang mga ‘kulam-nista’ ng broadsheet at tabloid para huwag banatan ang kanyang patron na ulupong kapalit ng milyones na halaga ng advertisement,” kuwento ng reliable source ng Las Chismosas.

Si Edkuratsa raw ay isa sa mga unang naluklok sa puwesto pag-upo ng Bossing ng Bayan Mo ngunit matapos ang ilang buwan ay tinanggal kasunod ng pagbibitiw ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Ang trabaho raw ngayon ni Edkuratsa ay bilang tagaharang ng mga masamang balita ng kanyang bagong kliyenteng kilala sa bansag na “LG” na hindi na nga makaakyat sa third floor ng gusali ay tatakbo pa sa pagka-kongresista.

Isang babaeng hepe raw ng marketing department na halos tatlong dekada na sa kompanya ni LG ang kumakausap sa mga editor ng ilang pahayagan para huwag ilabas ang mga negative news article ng kandidato.

Dahil palpak si lady employee, ibinigay raw kay ex-Usec ang maselang trabaho at media ops. Bukod pa riyan ay selosa itong si LG kaya dapat daw lalaki ang gagapang sa mga editor para maayos ang trabaho.

Bago pa ibinigay ang trabaho kay Edkuratsa, sunod-sunod na binara si LG ng isang Makati-based broadsheet newspaper kung saan ay napalusob si lady employee para ipahinto ang mga banat. Pero hindi siya umubra sa publisher ng newspaper at tuloy pa rin ang bira sa kandidato.

Kung hindi banner story ay sa ear portion ng newspaper naka-pwesto ang negative article laban kay LG.

Nahinaan si LG sa diskarte ng lady employee, kaya’t siya na mismo ang humarap sa walang kwentang publisher ng newspaper kung saan ay panay pa-cute ni LG hanggang matapos ang kanilang isang oras na meeting sa opisina ng publiisher.

Masaya at nakatawa ng umalis ng building sa Makati si LG samantalang si publisher ay kulang na lang tumalon ng building sa tuwa.

Bakit kaya? Kasi daw magakakaroon ng advertisement ang kanilang newspaper sa wakas matapos ang mahabang panahon. May sigurado na siyang pampasahod na sa mga iilang reporter at empleyado ng publication dahil umatras na sa halalan ang nauna nilang kliyenteng kandidato na ginawa nilang gatasan.

Kompirmadong naging matagumpay ang pakikipag-usap ni LG sa publisher dahil sa kinabukasang issue ng newspaper ay front page na agad ang malaking picture ni LG kahit walang latoy ang press release. Oh di ba? Pero wala pa sa eksena si Usec dito.

Bago pa kausapin ni LG ang publisher ng Makati-based broadsheet newspaper, nakipag- one-on-one meeting din itong si LG sa isang broadsheet columnist matapos birahin ang mga negosyo niya sa Metro Manila na hindi nagbabayad ng kaukulang milyong piso halagang buwis.

Sapul si LG, kaya kinausap agad niya ang publisher ng Port area-based broadsheet newspaper kung saan binalaan ni LG na kapag hindi itigil ng columnist ang mga banat sa kanila ay aalisin nila ang milyong pisong halagang advertisement kada-buwan.

Tagumpay muli si LG dahil hanggang sa ngayon ay hindi na naglalabas ng negatibong column ang pobreng columnist. Ang matindi pati article ng kalaban sa congressional seat ni LG ay bawal ding gamitin sa Metro page ng broadsheet.

Bukod pa riyan, ang mga editor at reporter ng tabloid newspaper ng publication ay binalaan ng publisher na ‘wag magsulat ng negatibong atikulo laban kay LG. Bawal sa kanila ang press freedom, ayon sa isang editor.

Dahil sa utos nitong si LG, ang pang suhol at pananakot ni Edkuratsa sa lahat ng mga publication, radio at telebisyon ay kontrata sa advertisement hanggang matapos ang May midterm elections para hindi banatan si LG.

Ito naman ibang publisher ay nagpapa-uto sa mga boladas ni LG kung saan ay agad nagpapaniwala kahit wala pang nilalatag na kontrata sa advertisement at hindi nila alam ay anim hanggang walong buwan bago magbayad ang kompanya ni LG.

“Mr. ex-Usec, tandaan mo ito, na kahit anong tago at pigil mo sa mga baho ng iyong amo sa mga newspaper ay hindi kayang itago ito dahil lalabas din ang katotohanan at bukod pa riyan mas marami ngayon ang sumasubabay sa social media na lagi kayong binibira ng netizens,” paingos na wika ng reliable source ng Las Chismosas.

“Baka hindi niya alam na ang bago niyang amo na si LG ay matagal magpasahod sa mga empleyado kaya nilalayasan at baka siya pa ang mag-abono sa gastos sa bandang huli dahil sobrang tikoy ng kanyang kandidato. Tama ba Atty. Reg? “ dagdag niya.

CLUE:

Pagtapak sa Palasyo ni ex-Usec, sandamakmak na bodyguard na naka- barong ang nakapaligid sa kanya na daig pa ang Bossing ng Bayan Mo.

Naging tambayan daw niya ang isang gusali ng gobyerno sa Visayas Ave. kung saan kinamada ang ‘appointment for sale’ raket na nabuking ng Palasyo kaya pinalayas sila sa gobyerno.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *