VIRAL sa huntahan sa political circle ang walang habas na paggasta ng isang senatoriable para lang maabot ang pangarap na maluklok sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
“Matuk nyong barya lang para kay Madame ang P100 milyon na ibinayad daw niya sa isang survey firm,” entradang chika ng lider ng Las Chismosas sa Roxas Blvd.
“May utang ba siya sa survey firm kaya kailangan niyang magbayad?” usisa ng miron sa umpukan.
Ayaw raw kasi ni Madame na mawala sa top 12 senatorial candidates sa survey kaya tiniyak na niya na hindi siya malalaglag sa magic 12 hanggang sumapit ang halalan.
Kabado raw siya kasing mahila siya pababa ng nanay niyang may sa “impakta” ang ugali kaya para sure, naglabas na lang raw siya ng P100-M sa survey firm.
CLUE: Dati raw itong “nahiwalay” sa kanyang esposo at sa tindi ng lungkot na pinagdaanan ng panahong iyon ay ipinasyal siya ng kanyang ama sa iba’t ibang bahagi ng mundo para maaliw.
Naging talunan sa eleksyon ang kabiyak ni Madame.
‘Yun na!