Wed. Jan 29th, 2025

NAGLABAS ngayon ng Manifesto of Support ang Mayors for Good Governance para kay Kauswagan, Lanao del Norte Rep. Rommel Arnado na pinatawan ng 90-day suspension ng Lanao del Norte Provincial Board kamakailan.

Si Arnado ay bahagi ng Mayors for Good Governance kasama nina Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong , Quezon City Mayor Joy Belmonte, Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Dumaguete City Mayor Felipe “Ipe” Remollo , at Mayor Sitti Hataman ng Isabela City, Basilan.

“Ipinapahayag ng Mayors for Good Governance ang buong suporta sa isa sa aming convenor na si Kauswagan, Lanao del Norte Mayor Rommel Arnado,” sabi ng grupo.

“Nanawagan kami para sa masusing imbestigasyon at malinis na proseso sa pagkamit ng katotohanan kaugnay ng 90-day suspension ni Mayor Arnado,” dagdag nila.

Giit nila, “bilang isang samahan na isinusulong ang mabuting pamamahala at paglaban sa katiwalian, ay palagi namin pinapahalagahan ang transparency, accountability, at rule of law.”

Umaasa ang grupo na magiging patas ang imbestigasyon at sa huli, ang tama at mabuti ang mananaig.

“Patuloy tayong titindig para labanan ang mali, at isusulong ang ikabubuti para sa mga Pilipino.”

Nabatid na nag-ugat ang suspension kay Arnado matapos niyang sinuspindehin si Bagumbayan Punong Baragay Evangeline Jubas bunsod ng rekomendasyon ng Sangguniang Bayan na nag-imbestiga sa mga reklamo ng mga residente at mga opisyal ng Barangay Potable Water Association (BAPWAS).

Napag-alaman na ang BAPWAS, isang people’s organization, ang nangangasiwa ng water project for peace na pinondohan at inayudahan ng Assisi Development Foundation, Inc. (ADFI) mula pa noong 2012.

Ang water project ay nasa ilalim ng Public-Private Partnership for Justice, Development and Peace (PPP-JPD) Program, sa kolaborasyon ng ADFI at ng lokal na pamahalaan ng Kauswagan sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement na nilagdaan nina Arnado at Ben Abadiano, pangulo ng ADFI.

Ang tuwa ng ilang residente sa proyekto ay nabalam dahil nawalan sila ng supply ng tubig na nagresulta sa dagdag gastos sa kanilang pamilya kaya’t napilitan silang bumili ng P5 bawat gallon na tubig para gamitin sa kanilang pangangailangan.

Batay sa imbestigasyon, natuklasan na ang pagkawala ng supply ng tubig ay sanhi ng pagputol sa hose na nakakonekta sa main water source ng komunidad at idinirekta sa piggery na pagmamay-ari ni Jubas.

Maging ang kontrol ng water connection ay inilagay sa lupaing pagmamay-ari ni Jubas.

“Adding to the climate of intimidation, Louie Virtudazo, Vice President of BAPWAS, experienced direct threats from PB Jubas during a routine inspection of the water tank reservoir and water pipes. PB Jubas issued a chilling warning as he approached the infrastructure: “Testingi ninyo ug hilabot ang hose dinha, naa gyuy mahitabo,” effectively threatening serious consequences for merely performing his duties,” bahagi ng nakasaad sa judicial affidavit ni Virtudazo.

Naging bantog ang Kauswagan sa mga proyektong pangkabuhayan hindi lang para sa mga residente kundi lalo na sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagbalik-loob sa pamahalaan matapos lagdaan ang GRP-MILF peace agreement.

Mula sa 5th class ay naging 1st class municipality ang Kauswagan kaya’t maraming pagkilala at karangalan ang ipinagkaloob kay Arnado ng iba’t ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang Gawad Kapayapaan mula sa Office of the Presidential Adviser for the Peace Process noong nakaraang taon.

Bilang founder ng From Arms to Farms Foundation, ito lang naman ang mga natanggap niyang award:

  • United Cities and Local Government ( UCLG ) International Winner at Bogota, Columbia, for the Programme “ From Arms to Farms – Walking through the Paths of Peace “ in the year 2016 held at Bogota, Colombia;
  • Honorable Mention Awardee for United Nations FAO- Agri-Ecology Award of 2018 awarded at Rome , Italy UN-FAO Headquarters ;

 

  • International and National Resource speaker for Local Government Initiative for Peace and Organic Farming initiative  in the following country:
  1. Bogota, Colombia
  2. Madrid Spain
  3. The Netherlands ( University of Netherlands , Local Government Forum in Netherlands )
  4. South Korea
  5. Mainland China
  6. Xichong, People’s Republic of China
  7. Rome, Italy
  8. Kaya Natin-Philippines
  9. Galing Pook Foundation
  10. Ateneo de Manila University

Paano nangyari na ang mga pagsusumikap para ibangon ang isang bayang niluray ng lupit ng armadong tunggalian ay nababalewala dahil sa “kapritso’ ng isang punong barangay na tila kinakatigan ng pamahalaang panlalawigan?

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *