Tue. Sep 29th, 2026

Kinompirma ng Bureau of Immigration (BI) na wala sa bansa si dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon sa BI, “there was no existing Hold Departure Order (HDO) or derogatory alert that would have prevented his departure from the Philippines.”

“The BI cannot disclose further details concerning an individual’s immigration records due to data privacy concerns,”  dagdag nito.

Nauna rito’y inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na umalis ng bansa si Velasco noong Agosto 30 at sinabi niyang babalik noong Setyembre 14, ngunit hindi tinupad.

Habang ang misis niyang si Rowena Velasco, ay umalis ng bansa noong Setyembre 24 at sinabing babalik noong Setyembre 27, pero hindi bumalik.

Ayon kay Matibag , sumasailalim sa ebalwasyon ng ahensya ang alegasyon ni dating police Corporal Rodulfo Gracioso, Jr. laban kay Velasco, Vice President Sara Duterte, at iba pang personalidad.

Aniya, masyado pang maaga para paniwalaan ang mga pahayag ni Gracioso na nag-deliver umano siya ng male-maletang kuwarta kina VP Sara, dating pangulong Rodrigo Duterte at Davao City First District Rep. Paolo Duterte s autos ni Velasco at misis nitong si Rowena.

IImbitahan aniya ng NBI ang mag-asawang Velasco at mga Duterte dahil binanggit ang mga pangalan nila sa sinumpaang salaysay ni Gracioso. # (RRN)

By admin