Mon. Sep 9th, 2024

Nagkataon lang ba o itinadhang sikat na sikat ngayon ang respective kids ng magpinsang Aga Muhlach at Niño Muhlach?

Ang mga ama ng dalawang aktor na sina Cheng at Alex ay magkapatid (bale tiyahin nila ang dating Movie Queen na si Amalia Fuentes).

Of late, Aga’s daughter Atasha and Niño’s son Sandro have been hogging showbiz headlines.

Sa ngayon, ongoing ang isinasagawang imbestigasyon to look into Sandro’s sexual molestation complaint against two contractual talents of GMA.

Sa kaso naman ni Atasha (kambal ni Andres), balitang isang buwan na raw itong buntis. Ang itinuturong ama umano ng Eat Bulaga host ay si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa katunayan pa nga raw, Vico gave Atasha a brandnew car as a present. Maging ang ama rin daw nitong si Bossing Vic Sotto ay binigyan ng alahas si Atasha.

Dahil may guest appearance sa sitcom na Pers Family (kung saan mga bida ang buong pamilya ni Aga) ng TV5, sinamantala na ni Ogie Diaz (na nag-aartista na even before he got into vlogging) na uriratin si Atasha tungkol sa kumalat na balita sa social media.

Ayon mismo sa dalaga, she hasn’t even met Mayor Vico in person. Ang mga na-meet niya sa far ay ang kapatid nito sa ama na si Oyo Boy and his wife Kristine Hermosa.

In short, fake news ang lumabas tungkol kina Mayor Vico at Atasha.

Himself also a victim of fake news on social media, nagbabala si Ogie na maging mapanuri ang mga netizens at huwag basta-basta naniniwala sa mga balitang natitisod nila sa social media.

Kadalasan daw kasi–and this Ogie has proven it himself–namemeke ang ilan ng mga balita dahil pinagkakakitaan nila ito.

Pagbabahagi ni Ogie: “Hindi naman nila matukoy kung sino ang source nila. Ako nga, umamin pa sa akin ‘yung gumawa ng fake news na kesyo patawarin ko na siya dahil du’n lang daw niya kinukuha ang pinakakain niya sa pamilya niya!”

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *