Fri. Nov 22nd, 2024

NAGBUBUNYI ang ating mga kababayan saanmang panig sila sa mundo makaraang masungkit ni Carlos Yulo ang kauna-unahang medalyang ginto sa artistic gymnastics nitong August 3, Sabado sa ginaganap na Paris Olympics 2024.

Kinabog ni Carlos si Artem Dolgopyat ng Israel (silver medalist) at Jake Jarman ng United Kingdom (bronze) sa naitalang score na 15,000.

Partikular na pinahanga ni Carlos ang mga hurado sa kanyang “flying tumbles and intricate spins” sa men’s floor exercise.

Carlos is second to have clinched a gold medal, the first being Hidilyn Diaz in the Tokyo Olympics 2020.

Ikalawang pagkakataon ding umalingawngaw ang Lupang Hinirang, ang ating Pambansang Awit.

Speaking of our athletes’ participation, hindi pa man napapasakamay ni Carlos ang tagumpay ay nagpahayag na ng interes ang actress-producer na si Sylvia Sanchez na balak niyang magprodyus ng pelikula tungkol sa ating mga atleta kung paanong umabot sila hanggang sa Paris.

Sylvia–who owns Nathan Studios which has produced films like Topakk, Cattleya Killer, etc.–ay bumiyahe mismo sa Paris kasama ang asawang si Art Atayde, anak na si Xavi at ilang mga kaibigan para saksihan ang Olympics.

“Nakakaiyak! Nakaka-proud!” Sylvia was quoted to have said.

With Carlos’ victory, he’s rest assured na magkakaroon pa siya ng showbiz career.

Samantala, hindi rin itinatago ng singer na si Mark Bautista ang kanyang paghanga kay Carlos.

Nag-post din si Vice Ganda na libre na raw ang entrance ni Carlos sa kanyang Vice Comedy Club pati ang mga kasama nito with matching nachos on the house: “Chos!”

To Carlos, thank you for making us all proud!

Is getting into showbiz a career option? Why not?

Local showbiz simply loves winners!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *