Dismayado ang mga biktima ng sunog sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City na pumila ng pitong oras para makakuha ng baldeng may food packs mula kay Sen. Christopher “Bong” Go.
Umani rin ito ng batikos mula sa netizens nang ibahagi ni public interest lawyer Jesus Falcis sa Facebook ang video na ibinigay sa kanya ng isa sa mga nasunugan.
“Mga biktima ng sunog sa NIA Road, Barangay Pinyahan binash ang binigay ni Senator Bong Go na baldeng may food packs dahil akala nila punong puno yung balde yun pala may karton na pampakapal at onti lang pala yung laman!
Oh my, budol-budol gang pala. Yan ang number one Senator last year?
Gapang ang Malas at Sakit! 👊,” ani Falcis.
Ito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa FB post ni Falcis:
“Bigas – 50
Limang lata ng Sardinas (25 isa) – 125
Apat na Lucky Me (15 isa) – 60
Maliit na timba – 100
Jusko wala pang 500”
“Budol is real. Balde na may karton pa more! 😁👊”
“alam na mambubudol si Bong go. kasi wala ng malasakit kaya wala ng korbet.”
“Lakas maka GaGo haha”
“Imported yung karton, Baka galing pa po sa The Hague “
“Bong go pa more.”
“Pitong oras pumila para sa karton na may kunting de lata. 😂😆”
“Breaking News: Karton Gang ng Davao, hindi lang sa The Hague nagkakalat.”
“E kasi Karton Network daw 🤣” # (RRN)
