Mon. Jul 8th, 2024

ISANG tunay na lalaki na tapat at makukuntento sa kanyang nobya o “one-woman man.”

Ito ang hanap ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa isang lalaki matapos ituring ang sarili na pinakamalas sa pag-ibig ngayong 2023.

“Loyal, maalaga, gentleman, ma-respeto, tutoong lalaki. Yun ang hinihiling ko. A real man. Kasi I believe a real man knows how to settle. Alam nila kung paano makuntento sa isa. At isa lang talaga. Gusto ko ng one-woman man,” sabi ng aktres sa panayam Luis Listens vlog ni Luis Manzano.

“Tinitignan ko itong 2023 na pinakamalas ako sa pag-ibig. Pero swerte naman ako sa pag-ibig sa fans, friends, co-stars, management. Ito talaga ang pinakamalas ko sa pag-ibig. Pero grabe naman ang balik sa akin sa love itself,” ani Andrea.

“Ang dami ko laging sinasabi. Pinagdarasal ko pa nga. Dati hinahanap ko loyal. Iba kasi ang loyal sa faithful. Ang loyal, kapag may dumaan na chicks, titingin yan pero doon pa rin siya sa mahal niya. Normal din naman yung ma-attract ka sa ibang tao. Doon ka pa rin sa mahal mo at wala kang gagawin sa feelings mo na yan. Pero ang faithful, kahit may chicks d’yan, titingin lang siya sa asawa niya. Kahit na nasa harap mo mga sexy na babae, hindi ka talaga titingin. Doon ka lang sa asawa mo. At hindi ka nakaka-feel ng kahit na anong attraction,” paliwanag niya hinggil sa mga katangiang gusto niya sa isang lalaki.

Sabi pa niya, “Ang dami ko ng list noon na dapat hindi ka liar hindi ka cheater. Ang totoong lalaki hindi yan nagsi-sinungaling talaga. Alam niya aminin yung katotohanan na buong-buo. Ang dami pang pasikot-sikot na oo aamin pero hindi lahat. Kumbaga, I don’t want a boy. I want a man.”

Matatandaan naging kontrobersyal ang hiwalayan nila ng boyfriend na basketball player na si Ricci Rivero dahil nahuli niya umanong may ibang kasama itong babae nang datnan sa condo ng nobyo.

Naging mainit din ang isyu sa umano’y lihim na pagkikita nila ni Daniel Padilla na naging sanhi daw kaya inunfollow siya sa Instagram ng nobya ng aktor na si Kathryn Bernardo. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *