Sun. Oct 6th, 2024

LALONG nagningas ang duda ng netizens na totoo ang ulat na tinuldukan na ang 12-taong relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Napaulat na ang mga kaibigang celebrity ni Kathryn na sina Chie Filomeno at Robi Domingo ay inunfollow na sina Daniel at Andrea sa Instagram bunsod ng isyung “pagtataksil.”

Habang sina Loisa Andalio at Miles Ocampo ay si Andrea lang ang inunfollow.

Nauna rito’y inunfollow ni Kathryn si Andrea.

Matatandaan kamakalailan ay isiniwalat ng beteranong showbiz manager at host na si Ogie Diaz na nakatanggap siya ng impormasyon na lihim na nagtatagpo sina Daniel at Andrea.

Ito aniya ang dahilan kaya ayaw ni Kathryn na makasama ni Daniel sa proyekto si Andrea.

Kung datirati’y aktibo sa pagdalo sa mga event ng ABS-CBN sina Kathryn at Daniel,nabigo ang Kathniel fans na makita ang kanilang mga idolo sa ginanap na Christmas ball kamakailan dahil nagpasya ang aktor na palawigin ang kanyang bakasyon sa Japan. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *