EXCITED si dating Vice President Leni Robredo sa kasal ng Kapamilya host Robi Domingo at fiancé na si Maiqui Pineda dahil isa siya sa magiging wedding sponsor nila.
Tuwang-tuwa si Domingo sa larawang ipinaskil sa Instagram kasama ang ninang-to-be at si Pineda na may caption,” ‘Confirmed! Hi Ninang Leni!”
Sumagot naman si Robredo sa comment section ng ,”Yay!! Thanks for dinner.”
Sa kanya namang Instagram post, ang caption ni Robredo , “exited to be ninang to these two -@iamrobidomingo and @maiqui.”
Nauna nang kinompirma ni Domingo na tuloy ang kasal nila kahit na-diagnosed na may isang rare autoimmune disease ang magiging esposa. (ZIA LUNA)