Mon. Jul 8th, 2024

KINOMPIRMA ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrda na talagang hiwalay na ang kanyang anak at ang aktres na si Kathryn Padilla.

Inihayag ito ng beteranang showbiz host na si Cristy Fermin sa kanyang vlog na Showbiz Now Na kanina.

“Kami po ay naninindigan talaga na hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na,” sabi ni Fermin.

Sinabi ni Wendell Alvarez, co-host ni Fermin, na nakatanggap siya ng impormasyon na noon pa man ay pinayuhan na ng kanyang ina si Kathryn na pagsabihan ang kanyang nobyo na mag-ipon-ipon na dahil ilang taon silang walang trabaho dulot ng pandemya.

Nasabi umano ito ng ina ng aktres dahil si Daniel lamang ang solong kumakayod sa kanilang pamilya at pati ang mga driver at mga galing sa kanilang probinsya ay sagot niya.

“Pagsabihan mo ang boyfriend mo na kunin niya ang bankbook niya sa nanay (Karla) niya,” sabi raw ni Karla sa source ni Wendell.

Para naman kay Cristy, marapat lamang na magkaroon ng magandang buhay ang mga Padilla dahil dumaan ang kanilang pamilya sa hirap lalo na’t solong itinaguyod ni Karla ang kanyang mga anak.

Sapantaha naman ni Rommel Chika, isa rin sa co-host ni Fermin, baka may pinagtalunang malaking isyu ang magkasintahan at umabot na sa sukdulan kaya nagpasya silang tuldukan ang mahigit isang dekada nilang relasyon.

Ayon sa source ni Fermin, nagsimula ang paghihiwalay nina Daniel at Kathryn sa panahong nag-iba na ng image ang aktres o naglalabas na ng skin, nagpapa-sexy na bago pa ang pelikula nila ni Dolly de Leon na A Very Good Girl.

Noon pa lang aniya ay marami na ang nagtaka kung bakit nakalusot kay Daniel ang ginawa ni Kathryn gayong napaka-protective nito sa kanyang nobya.

Ang rebelasyon aniya ni Karla na tapos na ang relasyong KathNiel ay isang bindikasyon sa showbiz host na si Ogie Diaz na “pinakain” ng masasakit na salita ng mga fans matapos isiwalat na nabalitaan niyang hiwalay na ang magkarelasyon sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update may noong nakaraang buwan.

Ayon kay Diaz, lihim umanong nagtatagpo sina Daniel at Andrea Brillantes.

Hinihintay pa ang opisyal na pahayag nina Daniel at Kathryn sa isyung ito. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *