Mon. Jul 8th, 2024

MAGKAKAROON na ng apo ang aktres at socialite na si Gretchen Barretto.

Inianunsyo ng unija hija nila ng negosyanteng si Tonyboy Cojuangco na si Dominique sa social media na nagdadalang-tao na siya.

Sa Instagram reel ay ipinakita ni Dominique na hawak nila ng kanyang esposong si Michael Hearn ang kanyang sinapupunan.

“Little blessing arriving in 2024,” sabi sa caption ni Dominique.

Matatandaan pinag-usapan ang magarbong kasal nina Dominique at Michael noong 4 Marso 2023 sa San Agustin Church sa Intramuros at ginanap ang reception sa National Museum of National History.

Napaulat na hindi aktibo aktibo si Gretchen sa social media nitong mga nakaraang linggo. (ZIA LUNA)

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *