Mon. Jul 8th, 2024
Richard Gutierrez at mga anak

NAG-ENJOY ang aktor na si Richard Gutierrez sa bakasyon sa Boracay kasama ang dalawang anak na sina Zion at Kai, ngunit wala ang ina ng mga bata,ang aktres na si Sarah Lahbati.

“Happiest by the water. Still the best beach… Boracay!!” caption ni Richard sa ipinaskil na mga larawan sa Instagram.

Lalong tumindi ang mga ispekulasyon na talagang hiwalay na sina Richard at Sarah dahil may ilang mahahalagang okasyon at bakasyon na hindi buo ang kanilang pamilya, batay sa mga ibinahagi nilang mga larawan sa social media.

Hindi rin kasama si Sarah sa kaarawan ng kanyang biyenan na si Annabelle Rama at binyag ng pamangkiin ni Richard kamakailan.Wala pang umaamin sa mag-asawa kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *