NALIPAT ang atensyon ng netizens kay Abraham Lawyer mula sa kanyang ate na si Miss Philippines Universe 2023 Michelle Dee nang makita ang tipong artistahing anak ng beauty queen-actress Melanie Marquez.
Kasama ni Michelle si Abraham ng maging panauhin sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes.
Naging modelo siya ng local fashion brand Bench kaya’t tinanong siya ni Abunda kung may balak siyang pumasok sa showbusiness.
“Yeah,” simpleng tugon ni Abraham at dinugtungan ito ni Michelle na sila’y “a family of like if there’s opportunity then grab it.” (ZIA LUNA)
(Screenshot mula sa Fast Talk with Boy Abunda)