Fri. Nov 22nd, 2024

📷pinoytambayani.blogspot.com

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may nilulutong destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon.

Ang mga recruiter aniya ay mga retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Gayonman, walang balak si Marcos Jr. na magsagawa ng loyalty check sa hanay ng pulisya.

“I don’t see — wala kaming report na in the ranks. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa,” sabi niya sa ambush interview sa General Santos City.

“Pero sa ating mga kapulisan at siyempre lalo na sa officer corps, wala naman tayong nakikitang ganun na namumulitika ang mga police,” dagdag niya.

“So, ang loyalty check, hindi ko alam kung ano ‘yung loyalty check katotohanan. Anong sasabihin mo doon sa tao? Sasabihin, “loyal ka ba sa akin?” Siyempre, oo ang sagot noon ‘di ba kahit na hindi siya loyal sa’yo. Pero titingnan natin mga record ng mga…”

Hiling lamang ni Marcos Jr. sa armadong puwersa ng pamahalaan, maging propesyonal at tupdin ang responsibilidad ng wasto kahit hindi siya ang ibinoto noong 2022 presidential elections.

“Ang ano ko naman, kahit hindi mo ako binoto okay lang sa akin basta’t maging professional ka, gawin mo ‘yung trabaho mo nang tama. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa lahat ng police, sa lahat ng armed forces,” wika ng Pangulo.

Isiniwalat ni dating Sen. Antonio Trillanes IV kamakailan na ilang aktibo at retiradong opisyal ng PNP ang nagpapasimuno ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos Jr. sa layuning iluklok si Vice President Sara Duterte sa Malakanyang. (ROSE NOVENARIO)

 

 

Like

 

Comment

 

Share

 

By Web Dev

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *