Mon. Oct 7th, 2024
Sen. Ronald “Bato” dela Rosa

TILA isang sirkero sa circus sa bilis nang pagtambling ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na aminadong malayo sa katotohanan na “drug addict” sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano.

Sa kabila ng pahayag na ito’y ipinursige ni Dela Rosa ang motu propio investigation ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa “PDEA Leaks.”

“It remains to be seen sana. It remains to be verified. It remains to be validated by PDEA kung hindi sana pinahinto ang operation na dapat gawin. Eh pinahinto eh, kaya hindi na-validate.Hindi naman ibig sabihin na sinabi ng confidential informant na ikaw drug user, may ganitong impormasyon sa iyo ay naniniwala agad sa iyo ang PDEA na ikaw ay user kaya nga may verification, validation ng information,” sabi ni Bato sa panayam sa DZBB kahapon.

“Pinahinto daw allegedly, dinis-approve ni deputy director for operations Caloy Cadapan upon the orders daw of former Executive Secretary Paquito Ochoa kaya hindi natuloy. That remains to be an information. Malayo pa ‘yan sa katotohanan na talagang drug user si Maricel Soriano at si former Sen. Bongbong Marcos,” dagdag niya.

Nauna rito’y nanindigan si Bato na “genuine” ang mga dokumento sa “PDEA Leaks”  dahil kahit aniya photocopy lamang ito ay kita ang butas ng puncher sa papel na ebidensya niya na galing mula sa isang file ang mga ito. (ROSE NOVENARIO)

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *