MAAARING isa si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, sa mga ipinakalat ng China sa espiya sa Pilipinas.
Ito ang hinala ni Sen. Risa Hontiveros makaraang mabisto ang na walang official record na magpapatunay na isang Pinoy si Guo at nagsinungaling ang alkalde na siya ang may-ari ng Hongsheng (Gaming Technology Inc.), isang Philippine offshore gaming operation (POGO) hub ng Bamban, na sinalakay ng mga awtoridad bago siya naging alkalde ng bayan.
“There were several questions where she lied. ‘Yung pinaka-stark and shocking example ay ‘yung dineny niya na may connection siya sa Hongsheng [Gaming Technology Inc.] Eh nandun na nga sa mga dokumento ng municipal government na siya ngayon ang pinuno,” ani Hontiveros.
Ipinakita ni Senator Sherwin Gatchalian sa pagdinig sa Senado ang kopya ng isang Sangguniang Bayan Resolution na may petsang Setyembre 2020 na nagsaad ng pagpayag ng kosneho sa application ni Guo, na noo’y pribadong mamamayan pa, para sa license to operate ng Hongsheng.
atatandaang sinalalakay ng mga awtoridad ang Hongsheng noong Pebrero 2023 at ang naturang compound ay dating ginamit ng Zun Yuan Technology Inc., ang kompanyang ni-raid din sa Baofu compound noong nakalipas na Marso.
“Honestly, I was very tempted na sabihan si mayor [na] mag-show cause siya kung bakit hindi siya dapat i-cite in contempt,” sabi ni Hontiveros. (NINO ACLAN)