Thu. Aug 6th, 2026
PISTON president Mody Floranda

Inanunsyo ng transport group na Piston na magsasagawa sila ng transport strike simula Huwebes, Marso 19.

Sa isang press conference sa Welcome Rotonda, Quezon City nitong Martes, sinabi ni Piston National President Mody Floranda na ang protesta ay ilulunsad hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang pagtutol sa umano’y kawalan ng aksyon ng administrasyong Marcos sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag pa ni Floranda, magsasampa rin sila ng petisyon para sa ₱5 dagdag sa pamasahe sa jeepney.

Binigyang-diin niya na kung umabot sa ₱120 kada litro ang presyo ng diesel, ang isang tsuper na kumukonsumo ng 30 litro kada araw ay malulugi ng ₱3,600.

Nanawagan din siya sa Kongreso na alisin ang VAT at excise tax sa produktong petrolyo. # (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *