Sat. Aug 8th, 2026

MAISUSUOT na rin sa wakas ng mga senador ang kanilang roba sa kanilang panunumpa ngayon, Hunyo 10,bilang mga huwes sa impeachment court na lilitis kay Vice President Sara Duterte.

Pormal namang magsisimula ang impeachment court para gampanan ang kanilang tungkulin sa Miyerkoles (Hunyo 11) at babasahin ang sakdal o reklamo ng proseksyun laban kay Duterte.

Aatasan na ang Senate Secretary na tatayong Clerk of Court upang padalhan ng mga summons at kopya ng reklamo ang kampo ni Duterte.

Tumagal ng mahigit tatlong oras bago tuluyang magkasundo at magpasya ang mga senador na manumpa na si Senate President Chiz Escudero matapos ang priviledge speech at mosyon ni  Minority Leader Sen. Koko Pimentel.

Paglilinaw ni Escudero na kailanman ay hindi niya binalak o tinangkang pigilin ang anumang paglilitis laban kay Duterte kundi nais lamang niyang sundin ang itinatdahana ng Saligang batas gayundin ang due process.

Kasunod ng mosyon na ito ay nagmosyon din si Pimentel na sinuportahan ni Sen. Joel Villanueva na agaran ding manumpa ng mga senador bilang judge ng impeachment court. (NINO ACLAN)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *