Fri. Aug 7th, 2026
Senate President Juan Miguel Zubiri

TULAD ng Philippine Offshore and Gaming Operation (POGO) nais na rin ipatigil o ipasara ni Senador Juan Miguel Zubiri ang mga online gambling dahil sa imbes na makatulong ito sa mga mahihirap nating mga kababayan ay lalo lamang silang nababaon sa utang at ang ilan ay nauuwi pa sa pagpapakamatay.

Aniya ang pagiging madaling access sa teknolohiya ang siyang naging dahilan upang kahit sinuman ay maaring makapunta sa flatform ng online gambling.

Kinompara ni Zubiri na kung sa POGO ang mga tumataya ay mga dayuhan na pinasara ng pamahalaan, dito sa talamak na online gaming ay mismong mga Pinoy ang biktima kaya’t marapat ding ipasara.

Tinukoy niya na ultimong menor de edad ay nalulong sa naturang mga online gambling na sa huli ang isa  sa kanila ay nagpakamatay pa.

Ani Zubiri lubhang nakakalungkot ang pangyayari dahil sa imbes na makaipon ang ating mga kababayan ay nababaon pa sa utang at sa huli’y wala nang pangkain ang kanilang pamilya.

Umaasa ang senador na kung hindi tuluyang maipasara ang mga ito ay mabuting i-regulate na lamang ng pamahalaan.

Inaabangan ni Zubiri na matatalakay ni Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang usapin ng talamak na sugal sa bansa lalo na’t ang Pilipinas ay nabansagan na isang gambling country sa Asya.

Naghain na si Zubiri ng panukalang batas ukol dito  pati na rin si Senador Win Gatchalian.  (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *