MUKHANG hindi matitikman ng isang assistant secretary sa isang kagawaran sa Palasyo ang minimithing niyang mahigit P100,000 suweldo kada buwan dahil hanggang matsugi ang kanyang patron ay hindi pala napapirmahan ang kanyang appointment paper.
“Ibig sabihin ba pro bono na lang ang serbisyo niya as asec?” urirat ng miron na may hawak na camera.
Posibleng ganun na nga ang maging kapalaran ni Asec, gaya ng dinanas ng ilang asec at usec noong 2022 na hindi lumabas ang appointment papers dahil biglang nagbitiw kuno, pero ang tototo’y sinibak ng Bossing ng Bayan Mo, ang kanilang padrino.
Mula kasi sa regular na paghawak ng mic at pagharap sa camera ay naging libangan ni Asec ang sumipsip sa kanyang patron na nagpanggap na may malakas na koneksyon sa esposa ng Bossing ng Bayan Mo kaya nag-feeling untouchable, pero tinanggal naman.
“Laging mainit ang ulo ni Asec lately kasi nga waley datung. Hindi niya tuloy mapanindigan ang pagmamaganda sa kanyang napupusuang subordinate,” chika ng isang keen observer mula sa Las Chismosas-Visayas Ave. Chapter.
Pero bago pala mag-final bow si Asec sa kanyang posisyon ay plano niyang iluklok sa magandang puwesto sa attached agency ng kanilang kagawaran ang apple of his eyes na galing sa bakuran ni Pastor Q.
“Isang taon pa lang rito yun at ni hindi nga makabuo ng matinong story,” bulung-bulungan daw ng mga tauhan ni Asec.
Matiyaga raw sumama sa mga gimikan ni Asec ang apple of his eyes dahil pareho ang kulay ng kanilang dugo kaya naman kahit kapos sa credentials ay mapo-promote.
“Kaya pala lately isnabera ang vaklush. Napangakuan pala nung ninang niya.”
CLUE:
Hindi raw dumaan sa mesa ng amo ng kagawaran ang appointment ni Asec .
Kahit magkasosyo sa negosyo ang patron ni Asec at amo ng kagawaran, nagsolian sila ng kandila dahil nagkagatan sa halagang P50-M.
Si Asec ay dating naging pulutan sa organisasyon dati niyang kinabibilangan dahil sa hilig niyang magsuot ng blazer kahit tirik ang init ng araw.
“Kaya naman nagpapapansin ay kursunada pala niyang maging sentro ng balita,” sigaw ng president ng Las Chismosas-Visayas Ave. Chapter.
‘Yun na