Dapat bang ituring na normal ang korapsyon sa gobyerno?
Kailangan bang kalimutan na lang ang pag-aabuso ng mga nasa kapangyarihan?
Magbubulag-bulagan ba sa mga anomalya ng mga iniidolong opisyal ng pamahalaan kapag ika’y nakikinabang ?
Babalewalain ba ang mga impormasyong nabisto hinggil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan dahil ayaw mapahamak o maperwisyo?
Kung HINDI ang sagot mo sa mga katanungan, isa ka sa magkakaroon ng mahalagang ambag upang magkaroon ng pamahalaang tapat, bukas, at responsable sa taumbayan.
Ang kahalagahan ng mabuting pamamahala, transparency, at accountability, mga haliging dapat ay hindi natitinag, gaano man kalakas ang ingay ng trolls at misinformation online.
Kaya’t sa kabila ng pag-atake ng bayarang trolls sa mga ibinibisto ng Balitang Klik na “baho” ng mga opisyal ng gobyerno, hindi tayo mag-aatubili na ipagpatuloy ang pag-uulat ng katotohanan, kahit sino pa ang masagasaan.
Pagsasaliksik, pagtatanong at pagsusuri, iyan ang pamantayan ng Balitang Klik sa pagsisiwalat ng mga dokumentadong kuwentong totoo.
Hindi tayo papayag na mananaig ang sitwasyon na ang kasinungalingan ay mas mabilis at mas malayo ang mararating kaysa katotohanan.