Bumaha ng luha sa Presidential Communications Office nang pagsumitihin ni Acting Secretary Dave Gomez ang lahat ng presidential appointees na nasa ilalim ng kanyang tanggapan.
Sa halip na makisimpatya, natawa pa ang miyembro ng Las Chismosas sa Palasyo sa pagkuwento kung paano humagulhol sa iyak ang ilang dating reporter na nakipagsapalaran ng career sa PCO.
“Paano ba naman kasi, ilang araw pa lamang at hindi pa uminiit sa puwesto ang mga bagong opisyal ay biglang pinagre-resign na agad,” nakaingos na pagsalaysay ng Palace Las Chismosas member.
Naghagalpakan daw sa tawa ang mga miron sa Palasyo dahil nanganganib na masibak na agad ang mga baging opisyal.
Panay bida pa naman ang mga dating reporter sa marami nilang output.
Ipinagmalaki raw nila na umaabot sa 16 na press release ang ipinamumudmod sa Malacanang Press Corps kada araw.
Ang problema, hindi naman ginagamit ng mga reporter ang kanilang anggulo dahil masyadong “kiss ass” ang pagkakasulat.
Nilalait din ng mga batikang manunulat sa PCO at sa MPC ang mga PR dahil mali-mali naman raw minsan ang mga grammar.
“Akala ko ba paramihin ng degree ang puhunan nila?,” sambit ng isa pang laiternang kasapi ng Las Chismosas
Hindi kaya nagsisisi ang dating reporter na isinugal ang career njya sa aandap-andap na bahay ni ni kuya sa PCO?