Sat. Jul 18th, 2026

“Bakit kaya nung binanggit natin na iimbestigahan ito bakit nag-react si Sen. Alan Peter Cayetano eh wala naman ‘yung pangalan niya rito?”

Ito ang tanong ni NBI Director Melvin Matibag matapos umalma si Sen. Alan Peter Cayetano sa pahayag niya na iimbestigahan ng ahensya ang ginasta sa pag-host ng Pilipinas sa Southeast Asian Games noong 2019.

Sinabi ni Matibag na padadalhan ng NBI ng subpoena ang mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa mga umano’y iregularidad sa 2019 SEA Games.

Kabilang sa mga ipatatawag ng NBI ay sina Ramon “Tats” Suzara, Dexter Estacio, at John Lester Buenconsejo, mga miyembro ng board of trustees ng PHISGOC.

“So ito po ang katanungan natin kapag pina-subpoena natin sina sa Suzara sa Monday para tanungin, “what is the role of Sen. Cayetano?” dahil officially, based sa SEC, sa mga papel na hawak natin ngayon, eh hindi naman lumalabas ang kanyang pangalan,” wika ni Matibag,

“Bakit lumulutang siya sa publiko na parang siya ‘yung chairman nito?” tanong ni Matibag.

Kinompirma niya na hawak na rin ng NBI ang mga financial audit statement ng 2019 SEA Games. # (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin