Fri. Apr 3rd, 2026
📷 : Charles de Guzman – N. Bacarra/Kodao Productions

 

MAKIKIPAG-USAP si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Pagulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong linggo upang talakayin ang update sa kaso ng “missing sabungeros” na binanggit ng Punong Ehekutibo sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA 2025).

Sinabi ni Remulla na may bagong testigo sa kaso at naniniwala siyang magpapalakas ito sa kredibilidad ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy.”

“Napakahagala [nito]. It bolsters the credibility of Totoy. Hindi lang ito testimonial evidence. May real evidence na involved dito. Meron dito totoong ebidensiya na bukod sa kuwento,” ani Remulla sa isang ambush interview kahapon.

Hindi pa aniya naiulat sa media ang bagong saksi na isang sibilyan.

Nag-meeting rin sina Remulla at PNP chief Police General Nicolas Torre III sa Department of Justice main building kaugnay sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa kaso.

Pinaboran aniya ni Torre ang kanyang hirit na sibakin ang isang opisyal sa paghawak sa kaso dahil may ibang ikinikilos ito

“Nakiusap ako kay General Torre na i-relieve yung isang service commander at nangyari naman. Kaya ngayon malinaw na naman ang aming landas patungo sa paglutas ng problemang ito,” sabi ni Remulla.

“Alam ninyo napakahalaga ng gantong tiwala sa prosesong ito. Tiwala ang pinakamahalagang ano dito, magkaroon. Kasi kapag wala kang tiwala, paano magsasalita ang mga tao. Hindi buo ang tiwala. ’Yun lang ang aking sinigurado,” dagdag niya.

Hindi aniya kasama ang opisyal sa 12 pulis sinampahan kasong administratibo ng National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay ng nawawalang mga sabungero. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *