Sat. Apr 4th, 2026

📷: Pumasok ang mga awtoridad sa Blackstone Bldg. sa Manhattang kung saan may active shooter na nakapatay ng 3 katao, kabilang ang isang off-duty na pulis. | @brobinson2002 | X

 

MANHATTAN, NEW YORK — Apat katao, kabilang ang isang off-duty na pulis na naka-assign bilang security personnel, ang nasawi sa insidente ng pamamaril sa isang gusali ng opisina sa Midtown Manhattan nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng ABC News.

Naganap ang insidente bago mag-6:30 p.m. sa gusaling matatagpuan sa 345 Park Avenue at East 52nd Street, kung saan naroon ang punong tanggapan ng investment firm na Blackstone at ng National Football League.

Isang armadong lalaki na may suot na body armor ang pumasok sa gusali bitbit ang isang high-powered rifle.

Matapos magbarikada sa ika-33 palapag, natagpuang patay ang suspek,pinaniniwalaang binaril ang sarili.

Sa ngayon, hindi pa matukoy kung may kaugnayan ang alinmang kumpanya sa gusali ang insidente.

Patuloy pa ang pagsisiyasat sa posibleng motibo ng pamamaril, ayon kay FBI Deputy Director Dan Bongino.

Bagaman idineklarang ligtas na ang sitwasyon, pinayuhang manatili sa loob ng gusali ang mga empleyado at hintayin ang police escort bago lumikas.

Naglabas ng abiso si Mayor Eric Adams at ang NYPD na iwasan muna ang lugar sa paligid ng East 52nd Street, Park Avenue, at Lexington Avenue habang nagpapatuloy ang police activity.

Nagpadala na ng mga personnel ang FBI New York Field Office bilang suporta sa aktibong crime scene. Maging si New York Governor Kathy Hochul ay naabisuhan na ukol sa insidente.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *