Tue. May 26th, 2026

HUBO’T hubad sa make-up room ang isang host ng programa ng kontrobersyal na attached agency ng Presidential Communications Office (PCO) nang abutan ng isang kawani ng ahensya.

Ginawa raw kasing hotel ng host ang make-up room at doon siya “nakatira” na pinahihintulutan ng mataas na opisyal ng nasabing ahensya.

“Hindi lang pagbuyangyang ng kanyang katawan ang hilig ng host. May kostumbre rin siyang latiguhin ng masasakit na salita ang mga empleyado na animo’y siya ang may-ari ng PCO attached agency,” gigil na kuwento ng miron.

Maliban sa  eksenang hubo’t hubad sa make-up room ay tambak na raw ang sumbong na nakarating sa management laban sa kanya, gaya ng body shaming sa empleyado, sinugod, sinigawan at pinagmumura ang mga technician sa IT department.

Ngunit sa halip na kastiguhin, kinampihan pa raw siya ng management dahil malakas ang kapit sa mataas na opisyal.

Mistula pang ginawaran siya ng premyo sa kanyang mga umano’y kamalasaduhan sa ahensya at ginawa pa siyang anchor sa isang news program, at nagsusuot pa raw ng pekeng bigote para magmukhang “paminta.”

Pero ang ikinawindang ng marami ay ang pagkakaroon niya ng programang nakasuot babae siya na kontradiksyon sa imahe niya bilang “newscaster” sa araw.

“Paano na ang kredibilidad ng aming balita lalo na’t gobyerno pa naman kami?” nailing na tanong ng isang dismayadong empleyado.

CLUE:

Tinanggal sa isang istasyon ng radyo sa lalawigan ang “newscaster” at ipinaskil pa ang abiso sa social media page na ang paglagot ng koneksyon niya sa kompanya, “Ano mang transaksyon may kaugnayan sa kaniya ay wala ng pananagutan o kinalaman ang himpilang ito.”

Ngunit paborito raw siya ng “boss” ngayon na dating nasangkot sa tiwaling pamahalaan na pinabagsak ng People Power.

Ipinamamalita raw ng “newscaster” na siya na ang uupong station manager dahil bagyo siya sa kanilang “boss.”

Huwag nang magtaka kung katunog ng pangungupit ang titulo ni “newscaster” sa ahensya dahil ito ang imahe sa pamahalaan ng kanyang boss tila na-overdose sa anesthesia kaya manhid na sa mga iskandalo

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *