Tue. May 26th, 2026

Sino itong isang opisyal ng Presidential Communications Office na kapit tuko sa kanyang puwesto?

Ayon sa mga miron sa Palasyo, sinibak na ang opisyal na ito dahil sa rami ng reklamo. Pero nagpa-padrino sa isang opisyal kaya nakabalik sa PCO.

Ang siste, inirereklamo ng mga empleyado ang PCO official dahil sa pagiging “gahaman” sa pera.

Kinukuha raw ng PCO official ang lahat ng biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mapa-local man o foreign trip.

Bukod kasi sa lamyerda sa abroad, habol ng PCO official ang per diem o ang allowance.

“Hindi pa nakuntento sa sweldo, gusto kunin  pa lahat ng raket namin,” saad ng isang empleyado na imbyerna sa PCO official.

Lalo pang nabuwisit ang mga empleyado dahil kahit na kasama ang PCO official sa abroad, ipinapasa lamang sa kanila ang trabaho ng pagsusulat sa mga statement ng Pangulo pati na ang pag-transcribe sa mga speeches nito.

“Para ano pa at kasama siya roon? Ano siya? Dekorasyon para rumampa lang?”

Bukod dito, may isyu rin ang PCO official sa unliquidated funds.

Ang ikinababahala ngayon ng mga empleyado ngayong nakabalik na ang PCO official ay baka mag-power trip na naman ito at muling mag bida-bida at umastang daig pa ang PCO Secretary.

CLUE:

Dating reporter ang opisyal na nagbida-bida sa PCO at pinakialaman  ang operasyon ng ibang departmento na hindi naman  niya saklaw.

Marami ang nagtaka kung paano niya nauto ang isang kontrobersyal na opisyal ng kagawaran para bigyan siya muli ng puwesto kahit hindi pa siya ‘CLEARED’ sa mga dating atraso.

‘Yun Na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *