Hindi na maikukubli ang lumalaking lamat sa administrasyong Marcos Jr. sa pagsibak kay P/Gen. Nicolas Torre bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) gayong 85 araw pa lang siya sa puwesto.
“We consider the sudden removal of PNP Chief Nicolas Torre III after merely 85 days in position as unmistakable evidence of escalating internal conflicts and systemic breakdown within the Marcos administration,” ayon sa pahayag ng Makabayan Bloc sa Kongreso.
“Ang patuloy na rigodon at awayan sa loob ng PNP ay nagpapatunay sa lumalalim na hidwaan sa administrasyong Marcos. Magkakaibang mga grupo ang nag-aagawan ng kapangyarihan sa gitna ng malalang korapsyon sa gubyerno, kapos na serbisyong panlipunan, at lumalalang kahirapan ng mamamayan,” sabi ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio.
Lumantad aniya ang seryosong hidwaan sa law enforcement machinery ng administrasyon sa hayagamh komprontasyon ni Torre sa National Police Commission (Napolcom) at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Para kay Assistant Deputy Leader at Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Louise Co, ang pagsibak kay Torre ay sumasalamin sa tipikal na asal ng “reactionary and authoritarian government” na nagbabanggaan mga magkakalabang paksyon ng naghaharing uri habang ang mga pangkaraniwang mamamayan ay patuloy na pinapasan ang kalbaryo ng lumalalang serbisyo-publiko, tumataas na presyo ng pamumuhay at umiiral nap ag-abuso sa karapatang pantao.
“This recent development mirrors the typical behavior of reactionary and authoritarian governments where rival elite factions wage internal battles while ordinary citizens endure worsening public services, escalating costs of living, and persistent human rights abuses. Hindi masosolusyunan ng simpleng pagpapalit ng mga opisyal ang malalim na problema ng PNP bilang kasangkapan ng pang-aapi laban sa mamamayan,” ani Co.
Hinimok ng Makabayan Bloc ang publiko na huwag pahehele sa tunggalian sa agawan sa kapangyarihan at pagtuunan ang napapanahong mga isyu gaya ng katarungan para sa biktima ng paglabag sa karapatang pantao, panagutin ang matataas na opisyal na sangkot sa malawakang korapsyon sa flood control projects, confidential at intelligence funds at iba pang pork barrel funds at ang kabiguan ng administrasyong Marcos Jr. na tiyakin ang nakabubuhay na sahod at abot-kayang halaga ng pamumuhay.
“We urge the Filipino people to look past these internal power struggles and concentrate on pressing concerns: justice for human rights victims, holding high officials accountable for massive corruption of flood control, confidential and intelligence, and other pork barrel funds, and the Marcos administration’s failure to ensure adequate wages and affordable cost of living,” wika ni Tinio.
Matatandaan nag-resign si Jaime Santiago bilang pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) bunsod ng aniya’y mga intriga laban sa kanya.
Ang PNP at NBI ang dalawang pangunahing law enforcement agency ng bansa. (ROSE NOVENARIO)