MASASAMPOLAN na isalang sa court martial proceedings ang mga mga retiradong opisyal ng militar na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Nakakalimutan nila na technically they are already committing violations of the Articles of War. And speaking of Articles of War, maraming mga retired na hindi alam or nakalimutan na kahit retired ka, kahit pensionado ka ay covered ka ng Articles of War,” sabi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Facts First with Christian Esguerra program.
Iginiit niya na nakasaad sa Presidential Decree 1638 ang isyu ng pagkakasakop pa rin sa Articles of War ng retiradong militar at kung napatunayan may paglabag ay puwedeng matanggal ang kanilang pension.
“Nasa Presidential Decree 1638 yan. Tingnan nila yan. Covered sila, Section 27 or 28. Covered ka doon. At puwede kang makasuhan ng violation ng Articles of War. Ang Articles of War, malupit yan. Hindi yan yung regular courts na bibigyan ka ng anu-ano. Kaya I’m sure may mga masasampolan dyan na mga retired generals na kahit sabihin mo ang penalty ay forfeiture of pension, aba, malaki-laki ang pension ng general ngayon.,” ayon kay Trillanes.
“Yan yung mga nakapag-isyu na ng statements, pasensya na lang kayo, kasi may prima facie evidence kayo,” wika niya.
Gayonman, aminado ang dating senador na hindi dapat maliitin ang mga hakbang ng mga ito para pahinain ang gulugod ng administrasyong Marcos Jr.
“So ito ngayon yung agitation sa ranks ng military , ano yan, sabi ko nga hindi maaaring i-underestimate yan. Hindi puwedeng sabihin, “Hindi mga ilang retired lang naman ‘yan. Walang mga tao yan.” Hindi. Kasi yan ay nakakaimpluwensya. They mirror sometimes the sentiments. Tapos ngayon napansin ko compared sa panahon naming noon sa Oakwood, ngayon mas Madali kasi ang agitation sa mga chat groups. They can get away with it. Naglalabas sila ng kahit na ano, mga fake news at maraming active na nagre-react negatively . Tapos nano-normalize nila,” aniya.
Pinaigting aniya ang destabilization plot noong mga huling araw ng Disyembre 2023 at sinamantala ng panahon ng Kapaskuhan.
Naniniwala si Trillanes magiging kritikal ang sitwasyon sa bansa sa mga susunod na buwan dahil ninenerbiyos na ang kampo ni Duterte sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa isinulong nilang madugong drug war at posibleng paglabas ng international warrant of arrest laban sa dating pangulo at iba pang akusado.
Kaya aniya ang communications plan ng pangkat ni Duterte ay humakot ng simpatya sa publiko upang makaiwas sa napipintong paglabas ng international warrant of arrest laban sa dating pangulo at iba pang akusado sa crimes against humanity.
“Definitely nakikita nyo, ano na eh. Nararamdaman mo yung nerbiyos nila roon sa mga pangyayari. Pero again, part yan ng communications plan nila. While they maybe defending si Duterte pero nag-aano sila ng sympathy , kinukwan nila na parang aping-api si Duterte na ikukulong ng banyaga,” paliwanag niya.
Ipinaalala ng dating senador ang sitwasyon ng bansa noong administrasyong Duterte, na libu-libo ang pinatay at noong panahon ng COVID-19 pandemic ay naghirap ng husto ang mga mamamayan bunsod ng “mishandling” ng dating Pangulo sa pandemia.
“Kaya kailangan ko ibalik, teka muna that same person that you are defending is a monster. Libu-libo ang pinapatay nyan. Naalala nyo yan kung paano siya mag-speech noon, mumurahin niya kung sinu-sino tapos ngayon parang pa-awa effect? No, I will keep on reminding the public of what kind of monster Mr. Duterte is para hindi nila kaawaan yan kasi walang awa sa inyo yan.”
Kahit yung mga pondo para sa pandemic noon pinagkakitaan nila, ibinulsa nila iyon. So it’s a battle of narratives at this point. Ngayon gusto nilang i-draw out yung sympathy, ina-agitate yung iba’t ibang ano, Inaatake nila ang adminsitrasyon kumbaga they are hoping na makuha nila ang simpatya ng taong bayan.
But the difference between now at yung ginagawa nila noon nang nakapuwesto pa sila ay kontrolado nila ang buong propaganda machinery. Noon talaga, mainstream media, social media talagang buong-buo kaya ang hirap natin makapag-penetrate sa taong bayan. Ngayon wala na. SNMNI na lang yung ano nila eh alanganin pa.” (ROSE NOVENARIO)