Fri. Nov 1st, 2024

TAPOS na ang imbestigasyon ng  International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte  sa kasong crimes against humanity kaugnay sa isinulong niyang madugong drug war kaya’t sa mga susunod na buwan ay asahan na ang paglabas ng international warrant of arrest laban sa kanya, ayon kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Hindi man direktang inamin ni Trillanes na nakikipagtulungan ang administrasyong Marcos Jr. sa ICC ay nagbigay siya ng “educated guess”  na tapos na ang pagsisiyasat ng ICC kay Duterte at sa second quarter ng taon ay inaasagang lalabas na ang international warrant of arrest laban sa dating pangulo.

“Well, ‘yung ganyang mga usapin kasi ay talagang highly confidential ‘yan. Kailangan maintindihan natin kasi people’s lives would be at stake kung ikokompirma ‘yan na nadito sila or kung wala sila, hindi makapagtatrabaho ng maayos ang ICC,” sabi ni Trillanes sa panayam sa Facts First with Christian Esguerra kagabi.

“Siguro maganda nito, let’s just work on hypotheticals . Ang bottom line naman kasi rito is kung tapos na ba ang imbestigasyon o malapit ng matapos. Ako, ang aking ano ba ang uso ngayon? Educated guess, tapos na. That is as far as Mr. Duterte is concerned. Tapos na ang investigation. ‘Yung investigation sa kanya, ‘yun lang ang aking educated guess. Tapos, ‘yun na nga, ang susunod dito ay ang application for the warrant,” dagdag niya.

Ipinaliwanag niya na hindi labag sa soberenya ng Pilipinas at Saligang Batas ang imbestigasyon ng ICC sa Duterte drug war dahil alinsunod ito sa Republic Act 9851 o An Act Defining and Penalizing Crimes Against International Humanitarian law, Genocide and other Crimes Against Humanity, Organizing Jurisdiction, Designating Special Courts, and for related purposes.”

“Ngayon meron tayong batas, yung Republic Act 9851 na ito ang nagde-define ng iba’t ibang krimen, crimes against humanity, kung anu-anuman, na sinasabi roon sa jurisdiction, ito nga ‘yung  basis ng tweet ko kahapon na ‘yung estado, kagaya nito, Marcos administration bago na, puwede nilang, kasi sinabi, may dispense, meaning puwede na silang hindi mag-imbestiga o mag-prosecute kung mayroon nang nag-iimbestiga na international tribunal. Tapos sinabi pa roon na kung mayroon nang nag-iimbestiga, puwedeng i-surrender na lang ng estado ang mga akusadong ito doon sa international tribunal na nag-iimbestiga. So maliwanag, hindi po ito unconstitutional , hindi ito bawal . Hindi ito pagsu-surrender ng sovereignty, batas po ng Pilipinas ‘yan. Naipasa ito noong year 2009,” giit niya.

Maliwanag aniya na nagkaroon ng malawakan at sistematikong pagpatay sa ipinatupad na Duterte drug war at inamin pa mismo ito ng Philippine National Police (PNP) sa mga isinumiteng dokumento sa Korte Suprema nang pinagpaliwanag sila hinggil sa usapin, na mahigit 6,000 katao ang pinatay dahil nanlaban.

“Ito ‘yung mga pagkakamali ni Duterte , inadmit mismo ng PNP sa official documents na may pinatay silang mahigit anim na libong Pilipino dahil nanlaban daw, okey nanlaban. Tapos ‘nung 2018 December , if I’m not mistaken, naglabas sila ng accomplishment report. Nilabas nila na 20,000 mahigit ‘yung napatay nila as a result ‘nung war on drugs,” ayon kay Trillanes.

“Ginamit ‘yan ng Supreme Court. Sinubmit nila ‘yan noong sila’y pinag-e-explain. Sinubmit nila as official documents ‘yan. In fact, pinublish nila ‘yun as accomplishment 20,000 mahigit. So, maliwanag na ‘yan, I think that’s end of 2017. So, ito nagpatayan. Dapat maliwanag muna sa atin ‘yan, na ito’y hindi kathang isip lang o parang ginagawa lang ng mga kalaban sa mga politika. Hindi. Talagang nagpapatay siya. Narinig mismo natin sa kanya, sa bibig ‘nya, “My order is shoot to kill. I don’t care about human rights. Patayin ‘yan, lahat ‘yan.” Lahat sinasabi niya.”

“So widespread and systematic ito. It was a policy, verbally, publicly articulated by Mr. Duterte at in-execute ng kanyang Philippine National Police. ‘Yan ang mga elemento ng crimes against humanity.”

Kinompirma ni Trillanes na nakapabigay na ng testimonya ang ilang testigo sa ICC at ini-record ito sa harap ng mga itinalagang abogado para sa mga akusado ng international tribunal.

“‘Yung ibang witnesses nakapagbigay na ng testimonya. Ito nga kailangan maintindihan ng mga kababayan natin. Iba ang criminal justice system sa Pilipinas, iba ang Sistema ng ICC. Meron silang sistema roon na precisely because of that constant threat na puwedeng mapatay o mamatay ‘yung testigo, meron silang sistema na ire-record na ang testimonya nung testigo na duly represented  yung mga akusado ,may court appointed, ICC appointed lawyer for the accused , doon ngayon para ma-cross examine sila. Para yung na-record na oral deposition nay un, i-enter na lang yun sa record kapag nagsimula na ang trial. Kaya kahit na hantingin nila, mapatay nila ang mga testigo, tapos nang magbigay ng testimonya, wala na ring effect ‘yun,” anang dating senador.

Habang ang mga pangunahing testigo na si Arturo Lascanas at Edgar Matobato aniya ay nasa ligtas na kalagayn

“Ang ating educated guess ay secured naman sila. Secured naman sila so far but hindi naman nagkokompiyansa siguro sila, baka binabantayan din nila ang kanilang mga sarili to make sure na hindi sila ma-hunting ni Duterte,” sabi niya.

Inamin din ni Trillanes na mayroon silang linya ng komunikasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sakaling bigyan man siya ng posisyon o hind isa administrasyon ay gagawin niya kung ano ang makabubuti sa bansa.

“Kumbaga unang-una nagkasama naman kami sa Senado ni Pres. Bongbong Marcos , wala naman any deep animosity dyan so kung may mga ugnayan siguro. Paano ba yun? Meron sigurong ugnayan, here and there,” wika niya.

“Titingnan natin depende yun kung ano ba ang magiging mandato. Let’s say anti-corruption yan o para mamuno dito, pangunahan ang pagko-coordinate dito sa ICC, then why not di ba, yun na yun. But I think even without formal titles ay gagawin pa rin natin kung ano ang makabubuti para sa bansa.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *