Sun. Mar 15th, 2026

Suportado ni Cebu 5th District Representative Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagbatikos ni Cebu City Board Member Tining Martinez sa di-umano’y kabiguan ng Provincial Government na agad na asikasuhin at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng libo-libong residente na nasaktan sa nakalipas na 6.9 magnitude na lindol na nagpasadlak sa naturang lalawigan

Sinabi ni Frasco, dating House Deputy Speaker, na nakikiisa siya sa paninindigan ni Martinez na punahin at ibuyangyang ang mga kapalpakan ng kasalukuyang Provincial Government sa pagtugon sa pinagdadaanang hirap at pagdurusa ng napakaraming mamamayan na naging biktima ng mapamuksang lindol.

“I stand with Board Member Tining Martinez who have suffered and lost loved ones from the earthquake that struck the 4th and 5th Districts of Cebu,” ani Frasco.

Kasabay nito, nagpaabot din ng labis na paghanga ang kongresista sa ipinakitang tapang ni Martinez para ipahayag ang katotohanan tungkol sa kalbaryo ng kanilang mga kababayan bunsod ng aniya’y kapabayaan ng Provincial Government sa pagtulong sa napakaraming residente.

Gayunman, ikinalungkot ni Frasco na sa kabila ng pagsisiwalat na ginawa ni Martinez ay nakaranas pa ng pambu-bully, mga atake at pambabalahura sa social media mula sa mga umano’y “bayarang trolls” ng mga taong binatikos ng Board Member sa kanyang privilege speech.

Pagbibigay diin ni Frasco na sa tuwing mayroong taong tatayo at magsisiwalat laban sa mga kapalpakan ng kasalukuyang liderato (Provincial Government), sa halip na sagutin at asikasuhin ang mga concerns o problemang inilalatag ay mga atakeng personal, pamamahiya at paninirang puri pa ang kanyang napala.

“For choosing to speak the truth. Board Member Tining is now being bullied and attacked on social media by usual mouthpieces and trolls  of his subject. Something I am all too familiar with. Whenever one speaks up against the current Provincial leadership, the usual responce is not to address the substance of the valid concerns, but to unleash personnal attacks meant to intimidate and silence those who dare to tell the truth,” wika ni Frasco. (MARIANITO RODRIGUEZ)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *