Isiniwalat ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na pinoprotektahan ng mag-asawang kontratistang Curlee at Sarah Discaya sina Sens. Bong Go at Mark Villar, at dating Sen. Cynthia Villar.
“I think they are protecting Bong Go. The joint venture that they had with CLTG, the family of Bong Go,” sabi ni Remulla.
“That’s one of the people they are protecting, to be blunt about it. Ano yan eh, yung mga prohibited interest, conflict of interest , isa yan sa special areas of concern namin. In researching culpabilities of people,” dagdag niya.
Tumanggi aniya ang mga Discaya na ibunyag ang kanilang koneksyon sa CLTG Buiilders, ang kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Go.
Tumanggi rin aniya ang mga Discaya na isalaysay ang kanilang koneksyon kay Villar kahit pa sa panahon nito bilang DPWH secretary mula 2016 hanggang 2021 nakakuha sila ng malalaking proyekto.
“Kasi nung naging secretary si Mark, doon sila lumaki. Doon sila nakakuha ng napakaraming project,” giit ni Remulla sa programang Saksi sa GMA-7.
Aminado si Remulla na wala pa siyang direktang ebidensya sa kasalukuyan laban kay dating Sen. Cynthia Villar.
“They (Discayas) swapped favor with these people. Gusto nila, in sila. Hindi naman sila magiging in kung hindi sila gagawa ng extra effort.
Samantala, sinisiyasat na rin ng Ombudsman ang mga proyektong napunta sa kapatid ni dating Sen. Bong Revilla.
“Kapatid kasi niya yung contractor nila, si Princess Revilla. Rebeca Bautista Ocampo, that’s Princess Revilla.Siya ang contractor ng lahat ng projects nila. We’re talking about Bong, Lani and their children. Mabigat yan,” wika ni Remulla.
Habang si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo rin aniya ay marami pang hindi ibinulgar bilang dating “operator” ng mga katiwalian sa kagawaran sa panahon ng Duterte at Marcos Jr. administration. (ROSE NOVENARIO)
