Sun. Mar 15th, 2026

‘May kinatatakutan ba siyang mabunyag sa ginagawang pag iimbestiga kaya pilit niyang sinisiraan ng integridad ng ICI?’

Ito ang buwelta ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa mga pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa Independent Commission for Infrastructure Projects (ICI).

Tila pinasaringan ni Castro si Duterte nang sabihin na, “kaawa awa ang mga taong parte ng gobyero pero hindi nakakatulong sa gobyerno at sa bayan. Kaawa-awa ang taong naturingang public servant puro haka-haka lang ang sinasabi para makapanira sa gobyerno.”

Para kay Castro, hindi na dapat intindihin pa si Duterte dahil peke at gawa-gawa lang ang mga ebidensyang inihahayag niya sa publiko.

“Ano ba ang alam ng bise presidente sa pagpresent ng mga tunay na  ebidensya at hindi mga peke at gawa -gawa lang?  Ang mga tahi-tahi nyang kwento ay walang halaga. Hindi na dapat intindihin pa,” dagdag niya.

Binigyan diin ni Castro na ang mga miyembro ng ICI ay mga eksperto at hindi mga politiko.

“Tandaan natin ang mga miyembro po ng ICI ay puro experts at may integridad at wala ng politiko rito,” wika ng Palace official. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *