Thu. Feb 12th, 2026

Tila nagbago ang tono ng Malacañang hinggil sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) matapos ipahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na maaaring magkaroon ng redundancy kung itatatag ang mas pinalakas na Independent People’s Commission (IPC).

Ayon kay Castro, ang Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang may mandato para magsagawa ng imbestigasyon, mag-evaluate ng probable cause, at magsampa ng kaso sa Sandiganbayan o korte.

Ipinaliwanag niyang ang ICI ay nilikha bilang fact-finding body na mangangalap ng dokumento at mag-eendorso ng resulta sa Ombudsman at DOJ, kaya wala itong contempt powers.

Ang tila pag-iiba ng tono ng Palasyo ay lumabas dalawang araw matapos humarap sa isang executive session sa ICC si presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na tinagurian ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) bilang pork barrel kings, kasama ni presidential cousin Leyte Rep. Martin Romualdez.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Setyembre 2025 ang Executive Order No. 94 na nagbibigay sa ICI ng kapangyarihang imbestigahan ang flood control at iba pang proyekto sa nakalipas na sampung taon.

Samantala, nananatiling bakante ang puwesto ng commissioner ng ICI matapos magbitiw si dating DPWH secretary Rogelio “Babes” Singson dahil sa kalusugan at seguridad. Wala pang inanunsyo ang Pangulo kung sino ang papalit.  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *