Sat. Mar 14th, 2026

đŸ“·: Highlighted are the items vetoed in the UA. Number 10 is for personnel benefits

 

Kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P43.245 bilyon na nakalaan para sa “Payment of Personnel Services Requirements” sa 2026 national budget, na aniya’y magdudulot ng matinding epekto sa mga kawani ng pamahalaan at retiradong empleyado.

“I strongly condemn the veto by Pres. Marcos Jr. of P43.245 billion intended “For Payment of Personnel Services Requirements” under the Unprogrammed Appropriations,” ani Tinio.

Ang naturang pondo aniya ay orihinal na isinama mismo ng Malacañang sa National Expenditure Program pero tuluyang kinaltas ng Pangulo nang walang paliwanag o pagbibigay katwiran.

Wala rin aniyang komitment si Marcos Jr. na may aasahan na “additional or supplemental appropriations to cover this deficiency.”

Ayon kay Tinio, P10.772 bilyon mula sa naturang halaga ay nakalaan sana para sa pag-hire ng bagong personnel, kabilang ang mahigit 259,000 Job Order at Contract of Service workers sa gobyerno, gaya ng 41,000 guro at staff sa State Universities and Colleges.

Dahil aniya sa veto, hindi sila ma-regular at mananatiling kontraktwal na kulang sa sahod at benepisyo,” dagdag niya.

Samantala, P32.472 bilyon naman ang nakalaan para sa terminal leave benefits ng mga retiradong kawani sa sibilyan at uniformed bureaucracy, kabilang ang pulis at militar.

“This can only mean that personnel benefits will be delayed or denied, with the perennial excuse of “lack of available funds.” babala ni Tinio.

“Pondong nilaan para sa regular na trabaho at benepisyo, inagaw, nilipat sa pork barrel, at sa huli ay tuluyan nang kinaltas ng Pangulo sa pamamagitan ng veto,” ani Tinio.

“Kinokondena natin ito at nananawagan sa mga guro at kawani na ipaglaban ang sapat na pondo para sa trabaho, suweldo, at benepisyo.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *