📷: Delcy Rodriguez | Facebook
Nagpahayag si Acting President Delcy RodrĂguez ng Venezuela ng mensahe sa pandaigdigang komunidad at sa Estados Unidos, na muling iginiit ang pangako ng bansa sa kapayapaan, soberanya, at kooperasyon.
“Our country aspires to live without external threats, in an environment of respect and international cooperation,” ani RodrĂguez sa kalatas na ipinaskil sa social media, na binigyang-diin ang prinsipyo ng pantay na soberanya at di-pakikialam bilang gabay ng diplomasya ng Venezuela.
Hinikayat din niya ang balanseng ugnayan sa pagitan ng Caracas at Washington, gayundin sa ibang bansa sa rehiyon.
“We invite the U.S. government to collaborate with us on an agenda of cooperation oriented towards shared development within the framework of international law,” dagdag niya.
Binanggit din ni RodrĂguez ang mensahe ni Pangulong Nicolás Maduro na nananawagan ng diyalogo kaysa komprontasyon.
“President Donald Trump, our peoples and our region deserve peace and dialogue, not war. This has always been President Maduro’s message, and it is the message of all of Venezuela right now,” wika niya.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, nagbigay si RodrĂguez ng personal na pananaw sa kinabukasan ng bansa.
“This is the Venezuela I believe in and have dedicated my life to. I dream of a Venezuela where all good Venezuelans can come together. Venezuela has the right to peace, development, sovereignty and a future.”
Ang pahayag ay inilabas sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Venezuela at Estados Unidos, habang nagsisikap ang Caracas na ipakita ang imahen ng katatagan at kahandaan sa diyalogo sa pandaigdigang entablado. (ROSE NOVENARIO)