Sat. Mar 14th, 2026

📷: ICE agent Jonathan Ross at kanyang misis na si Patrixia Aguinaldo Ross. | Daily Mail 

 

Pinay ang esposa ni Immigration and Customs Enforcement (ICE) agent na bumaril at nakapatay kay Renee Nicole Good, 37, bilang si Jonathan E. Ross, 43, isang Iraq veteran at Enforcement and Removal Operations officer, ayon sa ulat ng Daily Mail.

Si Ross, na nakatira sa labas ng Minneapolis mula 2015, ay asawa ni Patrixia Aguinaldo Ross, 38, na may mga magulang na doktor sa Pilipinas. Ikinasal ang mag-asawa noong 2012 at may dalawang anak. ICE agent Jonathan Ross,

Nangyari ang trahedya sa gitna ng federal law enforcement operations noong Miyerkoles, Enero 7, 2025 sa Minneapolis, USA.

Sa panayam ng Daily Mail, ipinagtanggol ng ama ni Ross ang kanyang anak: “She hit him. He also had an officer whose arm was in the car. He will not be charged with anything. You would never find a nicer, kinder person. He’s a committed, conservative Christian, a tremendous father, a tremendous husband. I couldn’t be more proud of him.”

Nag-ugat ang insidente nang barilin ni Ross si Good habang minamaneho nito ang kanyang SUV sa kalsadang may operasyon ang ICE.

Giit ng ahensya, sinubukan ni Good na gamitin ang sasakyan bilang sandata, ngunit pinabulaanan ito ng mga saksi.

Tinawag ni Minneapolis Mayor Jacob Frey na “bulls**t” ang bersyon ng ICE.

Lumabas sa video na hinarang ni Good ang kanyang SUV sa kalsada bago umatras; tatlong putok ang umalingawngaw habang sinusubukan ng isang agent na buksan ang driver-side door. Bumangga ang SUV sa mga nakaparadang sasakyan at poste, na may nakitang butas ng bala sa windshield.

Ipinagtanggol ng administrasyong Trump si Ross, habang tinawag ng mga opisyal ng Minneapolis na “murder” ang insidente.

Nanawagan ang mga lokal na lider na paalisin ang ICE sa Minnesota, ngunit iginiit ni Homeland Security Secretary Kristi Noem na mananatili ang mga agent.

Si Good at ang asawa niyang si Rebecca, na may anim na taong gulang na anak, ay lumipat muna sa Canada matapos ang panalo ni Trump noong 2024 bago muling nanirahan sa Minneapolis.

Dinagsa ang mga kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng USA para ipanawagan ang hustisya sa pagpaslang kay Good. (RRN)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *