Sat. Mar 14th, 2026

📷: Screenshot sa sugatang si Bayan president Renato Reyes Jr. nang batuhin sa anti-corruption rally sa Mendiola noong Setyembre 21,2025.

 

Malinaw ang mensahe ng mga kasong isinampa laban sa kanya at sa iba pang anti-korapsyon na aktibista at mamamahayag:, ang sinumang bumabatikos sa administrasyong Marcos ay haharap sa legal harassment, ayon kay Renato Reyes Jr., pangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Kinompirna ni Reyes noong Huwebes, Enero 15, na ipinatawag siya ng Department of Justice (DOJ) dahil sa mga kasong sedition, inciting to sedition, at paglabag sa Cybercrime Law. Ang reklamo ay inihain ni Lt. Col. Jonathan A. Estrada ng Philippine National Police (PNP).

“I was directed to appear before the Assistant State Prosecutor on January 15. I have now been added to the long list of individuals facing false charges stemming from the incidents in Mendiola on September 21, 2025,” ani Reyes.

Giit niya, peke ang mga paratang at layunin lamang na patahimikin ang mga kritiko.

“It is well-documented that I was injured after the Bayan protest in Mendiola had already concluded and when the commotion had begun. I was immediately transported to a hospital in Quezon City, where I received four stitches,” paliwanag niya.

Ngunit higit pa sa kanyang personal na kaso, binigyang-diin ni Reyes ang mas malawak na epekto.

“The PNP and the Marcos regime are sending a warning to dissenters: they will be prosecuted for their public statements or social media posts,” aniya.

“This fascist attack seeks to discourage public participation in the movement to hold corrupt officials and a corrupt system accountable.”

Target Din ang Campus Journalist

Si Jacob Baluyot, National Chairperson ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag – Polytechnic University of the Philippines at Associate Editor ng The Catalyst, ay nakatanggap din ng subpoena noong nakaraang linggo. Katulad ni Reyes, nahaharap siya sa mga kasong sedition at inciting to sedition.

Nauna nang kinasuhan si Baluyot ng indirect contempt ng PNP noong Nobyembre 26. Sa kabila ng pagtukoy sa sarili bilang campus journalist na nagko-cover ng protesta, kabilang siya sa mahigit 200 kataong inaresto sa Mendiola sa pinakamalaking anti-corruption rally laban kay Marcos.

Kinondena ng Mambabatas 

Mariing kinondena ni Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Co ang mga kaso, aniya mas inuuna ng administrasyon ang pag-usig sa mga kritiko kaysa ang pananagutan ng mga tiwaling opisyal.

“Priority talaga ni Marcos ang damage control kaysa hustisya. Ang pondo ng bayan, kung di man ninanakaw ay nilulustay dito sa mga gawa-gawang kaso at atake sa kabataan,” ani Co.

“Takot na takot si Marcos Jr. sa student journalists dahil banta sila sa cover up operations nila sa flood control scandal,” dagdag pa ng mambabatas.  (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *